JAYMEE JOAQUIN, PUMANAW NA

 



DATING AKTRES AT HOST NA SI JAYMEE JOAQUIN, PUMANAW NA SA EDAD NA 44


Pumanaw na ang dating aktres at host na si Jaymee Topacio, o mas kilala bilang si Jaymee Joaquin noong Miyerkules, Oktubre 18, matapos ang pitong (7) taong pakikipaglaban sa breast cancer. Siya ay 44 na taong gulang.


Naging bahagi si Jaymee ng STAR MAGIC at lumabas sa ilang serye, gaya ng "Super Inggo: Ang Bagong Bangis", ngunit mas nakilala siya bilang host ng midnight interactive game show na "Games Uplate Live", na umere mula noong Agosto 7, 2006 hanggang Oktubre 2, 2009. Kadalasang tinatawag ni Jaymee ang mga tagasubaybay ng nasabing programa na "Kabagang".


Mula noong na-diagnose siya na may breast cancer,  hindi pinanghinaan ng loob si Jaymee, sa halip, nanatili siyang positibo, at sa kanyang "Jaymee Wins" page, nagbigay siya ng inspirasyon sa mga followers niya upang huwag sumuko sa buhay sa kabila ng pagsubok.


Ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Jaymee. You'll be missed... #RIP

Comments

Popular posts from this blog

Actor-comedian Joey Paras has passed away

DSWD warns voters: Don’t be fooled by politicians dangling 4Ps Read more: https://newsinfo.inquirer.net/1851672/dswd-warns-voters-dont-be-fooled-by-politicians-dangling-4ps